My Dreams

May 18-may 26, yun yung 1 week vacation ko. Super bitin!!! ang sarap kasing umuwi. Kasi pag nasa bahay naman ako I am no more than an ordinary daughter. Tagatimpla ng kape ng parents nya. :D.  Actually ni hindi rin ako nakapagpahinga talaga. Fiesta kasi dun. so andaming visitors. umuwi din tita ko. sila nag aassist ng bisista, while me, I was ‘manning’ my mom’s grocery store. nakakapagod pero masaya naman.daming benta eh! andami ko ding nakita..

Napansin na hindi ko na kilala. andami na palang nagbago.

Tapos, isang araw, tinitingnan ko parents ko, madami na pala silang wrinkles. Ang mga mama ko sa bahay. yung papa ko. nakakalungkot kasi simula nung 16 ako lagi na akong wala. d ko napapansin tumatanda sila habang ako super busy sa kakahabol sa mga pangarap ko. iniiwan ko sila lagi, ang kapatid ko, ang mga bestfriends ko..yung taong mahal ko dati..nalungkot ako kasi tama nga siguro ung sabi ng bestfriend ko, hindi daw sila nagdadamdam kahit mahilig akong mang iwan. iniisip ko pa din yun mahilig nga ba talaga akong mang iwan? gusto ko lang naman mangarap. madami kasi akong gustong gawin sa buhay. oo nagpapasalamat ako pero hindi ako kontento sa kung nasan ako ngayon. andami pang bagay ang gusto kong matutunan.gusto kong maexperience kasi msaya pag madami kang alam. Gusto ko ihanda ang future para sakin at para sa family ko..ang swerte ko lng kasi ung pamilya ko at mga kaibigan ko maunawain…un nga lng lagi akong absent. nung ikasal yung dalawang bestfriends ko, yung iba pang mahahalagang occassion, wala, absent ako. tiga-like nalang ng pictures sa facebook..Napansin ko yung punong mangga sa tabi ng bhay namin anlaki na pala. ung iba naman matanda na..merong mga bago merong mga wala n..ibang iba na din hitsura ng bahay namin.naalala ko pa yung dati..yung mga dalaga, binata, dalaginding, hindi ko n kilala. mga maliliit lng silang bata kahapon.(matanda n din pla ako? haha)..

Ang bilis ng panahon, ung dahilan kung bkit ako nangangarap ay yung mga taong kailangan kong iwan. ewan ko ganun yata talaga ang buhay. You can’t have it all at the same time.  Pero hindi ibig sabihin na binabalewala ko yung mga loving relationship sa buhay ko. alam ko naman na at the end of the day hindi ko naman iisipin yung mga success na narating ko sa buhay ko kundi yung mga taong mahal ko at nagmamahal sakin. Well, isa nga yan sa mga reason kung bakit umuwi ako sa Pinas pagkatapos ng contract ko sa Riyadh. dun kasi magaan ang buhay, nakatira sa fully air conditioned villa, complete appliances, wala akong pamasahe kasi meron kming sundo, wala akong renta, wala akong electricity bill pero malungkot ako sa kwarto ko. la kasi ko kausap pag dating ng gabi.doon, nakikinig nalang ako ng sound of rain sa youtube pag matutulog na ako. tapos iseset ko yung AC ng 15degree, pagpikit ko parang nasa Pinas ako. kunyari umuulan.Timang db?malungkot din mag-isa sa isang strange city, me mga kaibigan din dun pero iba eh, iba pag andito ka. malungkot ang walang karamay. so naisip ko, tama na yung experience.kelanagn ko ng umuwi. mahirap ang buhay dito sa pinas pero masaya dito.  (just don’t mention the traffic!lol). Anyway, so yan ang point ko. Still nangangarap ako. restless kasi ako, hindi ako mapakali. andami kong interest pero yung iba hindi ko naman kaya, hindi yung hindi ko kaya per se pero kelangan nilang mag antay kasi iisa lang ang katawan ko, dadalawa lang ang kamay ko at wala akong unlimited resources. kita nyu ang problema ng taong ambisyosa?  lagi may masasakripisyo. lagi may kelangang iwan pansamantala..gaya ngayon, mag aaral ako at the same time magtatabaho. alam kong mahirap kasi mahirap ang pag commute pero pagsusumikapan kong matapos. Sana dumating yung araw na everything will fall perfectly into places..siguro by then tupad na lahat ng pangarap ko. yun yung lagi kong pinagpepray, sana pag natupad ang lahat ng goals ko na kasama ko pa rin yung mga taong dahilan kung bakit ako nagsumikap na tuparin ang mga yun. sana walang mawala o wala  munang mawala.. by God’s will. 🙂

jenaraismyname

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s